Course · Library · News · Discord · More
wasona.com

Pagpapakilala

Ano nga ba ang Toki Pona?

Ang Toki Pona ay isang wika na inilikha noong 2001 ng isang polyglot na si Sonja Lang. Noon, sa mga unang panahon nito, nagkaroon ito ng isang maliit na komunidad ng mga tagahanga, at noong mga 2020, ang popularidad ng wikang ito ay mabilis-bilisang lumaki. Ngayon, ito na ay ang ikalawang pinakamalaking likhang-wika sa numero ng nagsasalita, pangalawa lang sa Esperanto!

Ang Toki Pona ay inilikha gamit ng pagiging simple at masiyahin, at nagpapahalaga ang paggamit nito. Ang mga ponema nuto ay madaling matutunan. At ang mga 130-ish na salita ay malawak sa ibig sabihin nito, at lahat nito ay may pagkakaiba. Simple lamang ang gramatika nito sa maraming panahon, at malakas kung kailangan.

Mahahanap mo ang Toki Pona sa mga online spaces, mga kanta, mga podcasts, mga zines, at sa mga libro. Maraming nagagawa ang wikang ito. — Sa pagsasanay, kaya mong matutong makipagusap sa kahit ano, galing sa panahon hanggang sa balita galing sa buong daigdig, galing sa pagmamahal hanggang sa microtonality, galing sa pagbibilang ng mga baka hanggang sa estratehiya sa pagiinvest.

Ano naman ang Wasona?

Mayroong maraming paraan para matuto mo ang wikang ito. Sa kursong ito, naglahad kami ng mga ~30 na maliit na aralin. bagal-bagalang mong matututo ang mga bagong salita’t gramatika. Kada pagkatapos ng mga aralin, kaya mong ipasanay ang bokabularyo mo gamit ng isang maliit na interactive game. Kada ~10 aralin, kaya nating “lumawak” at tignan natin kung paano ginagamit ng tao ang Toki Pona sa iba’t-ibang pangangailangan: isand maikling kuwento, isang diyalogo, isang kanta. Minsan, mahahanap mo isang tanong na madalas itinatanong, o kaya isang interesadong paksa sa pinakaibaba ng aralin.

Hindi ka magagawang sanay sa Toki Pona ng kursong ito, pero tutulungan ka nito para sumakses ka! Sa pagbabasa’t pagsasanay, alam na alam mo na kung paano gumagana ang wikang ito. Makakaya mong magkaroon ng isang pag-uusap, magbasa ng mga literatura, at makinig sa isinasabi. Ang pagbasa ng kursong ito ay gumagamit ng iilang araw o linggo, at ang pagkaroon ng intuwisyon at bilis ng isang marunong na mangungusap ay kumakailangan ng iilang buwan o taon.

Iilang mga tips para mapadali ang pagtututo ng wikang ito:

— kala Asi

Maikling salita galing sa mga mangsasalin

Ako, si juna Jona, ay nagsimula ng proyektong ito (1-25) upang mapabuti ang aking kaalaman sa Tagalog, dahil ang aking kaalaman dito ay hindi masyadong malawak, at ako ay nasa paaralan pa. Nais ko ring palawakin ang abot ng komunidad ng Toki Pona sa Pilipinas, dahil hindi ito gaanong ginagamit dito. Sana may makilala akong nagsasalita nito. Iyon lang para sa akin, at sana may matutunan ka! Ang ikalawang mangsasalin ay ang susunod. Kamusta! ako nga rin pala ang nagsalin ng mga ibang kurso! (kung espesipiko, 26-29) nagpapasalamat rin ako kay juna Jona sa pagsalin ng mga ibang kurso, at kay kala Asi sa pagbigay ng oportunidad na ipagsalin ko ang mga kurso sa sarili kong wika. At ipabuti rin ang sarili ko sa pagsalita ng wikang Tagalog. Simula dati pa, nahahangaan ako sa Toki Pona kaya ang oportunidad na ito ay nakakasaya saakin. Anyways iyan lang po ang masasabi ko. Nagbibigay rin po kami ng pasalamat kay jan Pikesike sa pagtulong sa pag-proofread, pagtranslate ng iilang mga kadaragdagang katanungan at pagtama ng mga mali! o kama sona pona po sa mga mag-aaral diyan!

— juna Jona, kisa Majumi