Ngayon na mayroon ka nang alam na pangngalan (bagay) at pandiwa (aksyon). Ngayon matuto naman tayo ng mga pang-uri (pang-larawan)!
Kabisaduhin natin ang iilan nito:
malaki, importante
maliit, hindi matanda
mabuti, mabait
masama, pangit
makapangyarihan, malakas, matibay
makatarungan, nakakaalam
maganda, guwapo, matamis, cute
Sa Tagalog, puwede magkaroon ng pang-uri kahit bago o pagkatapos ng isang salita. Pero sa Toki Pona, palagi itong makikita pagkatapos lamang ng isang salita:
malaking hayop
maliit na insekto
magandang ibon
Para sa mga nagsasalita ng Tagalog, hindi ito masydong mahirap. Ganito rin sa mga nagsasalita ng French, Irish, Arabic, Malay, atbp. Kailangan mo lamang itong iisipin: ang pinakaunang salita ay ang pinakaimportanteng salita.
Gumawa tayo ng mga pangungusap na may paglalarawan:
waso li lukin e soweli suwi.
Nakikita ng ibon ang cute na hayop.
soweli wawa li moku e kasi suli.
Kinakain ng malakas na hayop ang malaking halaman.
pipi ike li moku lili e soweli.
Kinakain ng konti ng masamang insekto ang hayop.
waso sona li sona pona e pipi.
Mabuting nakakaalam ng insekto ang makatarungang ibon.
Kung mukhang malaki’t nakakapagod ang mga pangungusap na ito, oks lang iyan! Makakakita tayo ng mga mas maliit na pangungusap mamaya. Tandaan ito: Simple lang talaga ang pagbuo ng pangungusap! Kaya mo palaging malaman kung ano yung subject, verb, o object, sa pagtingin lamang ng li at e.
Mayroon ding isang nakakainteresadong bagay sa mga pang-uri: sa Tagalog, magkahiwalay ang pang-abay at pang-uri. Pang-abay sa pandiwa, ang pang-uri sa pangngalan. Pero sa Toki Pona, magkasingparehas lang ito: ikagat ng maliit ~ moku lili, malaman ng mabuti ~ sona pona. Wala silang pagkakaiba sa Toki Pona.