Course · Library · News · Discord · More
wasona.com

ika-5 aralin: mga bahagi ng pagsasalita

Baka nakita niyo na dalawang beses kong itinuro ang salitang 󱥡 sona, noong una bilang isang pandiwa na ‘malaman’, tapos isang pang-uri bilang ‘makatarungan’. Kaya alin ba ito? At paano mo iyon malalaman?

Sa katotohanan, puwede ito kahit alin dito! Kung sumusunod ito sa isang pangngalan, pang-uri ito. Kung iginagawa itong pandiwa ni 󱤧 li, pandiwa ito. Tungkol lang ito sa pagkakalahad ng salita sa pangungusap!

Sa katunayan, parehas rin ito sa lahat ng mga salita: Kung isang salita ay isang pangngalan, pandiwa, o pang-uri, puwede itong maging kahit ano sa tatlong ito! Doon sa mga alam na natin na salita, tumingin tayo sa iilang mga halimbawa:

󱤮
lukin
PNG: mata; PND: itignan
󱤶
moku
PNG: pagkain; PND: kain, inom
󱥡
sona
PNG: kaalaman, katarungan; PND: malaman; PNR: matalino, makatarungan
󱥣
suli
PNG: laki; PND: lakihan, bigyang-diin; PNR: malaki, importante
󱥔
pona
PNG: buti; PND: ipabuti, pagbutihin; PNR: mabuti, kaaya-aya
󱥴
waso
PNG: ibon; PND: gawing ibon; PNR: ng ibon, parang ibon

Inilista ko lamang ang iilan na mga salita na natutunan natin — sapat lamang para makita natin ang mga pagkakatulad:

Pero sa panahon kung saan nakikipag-usap kaming mga nagsasalita ng Toki Pona, madalas, hindi namin kailangang gamitin ang mga pagkakatulad na ito! Nagiging magkaisa lamang ito. Sa pagkatalas ng iyong kaalaman, minsan hindi mo na naiisipan kung pangngalan, pandiwa, o pang-uri man ang isang salita. Nagkakaisa ang mga ito!

Magpasanay tayo sa paggamit ng mga salitang ito bilang pangngalan, pandiwa, at pang-uri:

󱤮󱤧󱥔󱤉󱥡
lukin li pona e sona.
Ipinanapabuti ng mata ang kaalaman.
󱤶󱤧󱥣󱤉󱥑
moku li suli e pipi.
Ipinapalaki ng pagkain ang insekto.
󱤶󱤧󱥵󱤉󱥢󱤨
moku li wawa e soweli lili.
Ipinapalakas ng pagkain ang maliit na hayop.

Mahalaga ang pagkasunod-sunod ng salita!

Dahil kahit anong pangngalan ay puwede maging pang-uri, at ang kahit anong pang-uri ay puwedeng maging pangngalan, mahalaga talaga ang pagkakasunod-sunod ng salita! Tignan natin kung paano magkaiba ang itong dalawang parirala:

󱥢󱥣
soweli suli
malaking hayop
󱥣󱥢
suli soweli
ang laki ng hayop
󱥢󱥣󱤧󱥡󱤉󱥣󱥢
soweli suli li sona e suli soweli.
Alam ng malaking hayop ang laki ng hayop.

Mahalaga rin ang li at e!

Naaalala mo ba kung paano noong kanina ay mukhang hindi masyadong importante ang li at e? Ngayon na alam natin na kahit anong salita na may kahulugan ay puwedeng gamitin bilang, isang pangngalan, pandiwa, o pang-uri, makikita na natin ang pagkahalaga nila. Salamat sa kanila, puwede na natin ipagkaiba itong tatlong pangungusap:

󱥢󱥡
soweli sona
makatarungang hayop
󱥡󱥔
sona pona
mabuting kaalaman; malaman ng mabuti
󱥔󱥴
pona waso
ang kabutihan ng ibon
󱥢󱥡󱤧󱥔󱤉󱥴
soweli sona li pona e waso.
Tinutulungan ng nakakaalam na hayop ang ibon.
󱥢󱤧󱥡󱥔󱤉󱥴
soweli li sona pona e waso.
Alam na mabuti ng hayop ang ibon.
󱥢󱤧󱥡󱤉󱥔󱥴
soweli li sona e pona waso.
Alam ng hayop ang kabutihan ng ibon.

Kung kahit kailan ay nalilito ka kung paano babasahin o isusulat ang isang pangungusap, tanungin mo na muna ang sarili mo nito: “Nasaan ang subject? Nasaan ang verb? Nasaan ang object?”, at lahat ay naghihiwalay sa mga maliliit na parirala!