Course · Library · News · Discord · More
wasona.com

ika-6 na aralin: mga panghalip

Baka napagod ka na sa pagaaral ng mga bahagi ng pagsasalita. Pumunta na muna tayo sa isang mas simpleng aralin, sa pagtuturo sa mga bagay:

󱥁
ni
ito, iyan, iyon
󱥁󱤧󱥢
ni li soweli.
Ito'y isang hayop.
󱥁󱤧󱤗
ni li kasi.
Ito'y isang halaman.
󱥁󱤧󱤶󱥦
ni li moku suwi.
Ito'y pagkaing matamis.
󱥁󱤧󱥣
ni li suli.
Ito'y importante.
󱥁󱤧󱥔󱥵
ni li pona wawa.
Ito'y talagang mabuti.

Iyan ay ang ating pinakaunang pangungusap na walang object, at dahil doon, sa pangungusap na ito, walang 󱤉 e dito!

Baka naiisip mo ito: ang 󱤧 li ay nagsisimula ng pandiwa. Pero nasaan nga ba ang pandiwa? Sa Tagalog, wala talaga, at puwede lang natin ito mahalintulad sa “ay” o kaya sa “maging”. Imbis na walang pandiwa talaga, kung ang isang salita ay ginagampanan ang papel ng pandiwa, mayroon na ang salitang “ay” o “maging” bago yung salitang ginagamit: 󱥢 soweli ‘maging isang hayop’, 󱥣 suli ‘maging importante’.

Ngayon na nakatingin na tayo sa isang panghalip, tignan na natin yung iba:

󱤴
mi
Ako, ko, kami; akin, amin
󱥞
sina
ikaw, kayo; ninyo, niyo, iyo
󱥆
ona
sila, ito, nila, nito

Mag-sanay tayo sa paggamit ng 󱤴 mi, 󱥞 sina, 󱥆 ona, at 󱥁 ni sa mga pangungusap:

󱤗󱥁󱤧󱥣
kasi ni li suli.
Malaki ang halamang ito.
󱥡󱥞󱤧󱥵
sona sina li wawa.
Magaling ang iyong kaalaman.
󱥑󱥁󱤧󱥑󱤴
pipi ni li pipi mi.
Itong insekto ay aking insekto.
󱥴󱥞󱤧󱤮󱤉󱤴
waso sina li lukin e mi.
Kita ng iyong ibon ako.
󱥴󱤧󱤶󱤉󱥑󱥁
waso li moku e pipi ni.
Kinakain ng ibon ang insektong ito.
󱥢󱤴󱤧󱤶󱤉󱤗󱥆
soweli mi li moku e kasi ona.
Kinakain ng aking hayop ang halaman nila.

Dapat alam na alam mo na ang mga pangungusap parang ganito! Kadalasan, sa maraming posisyon sa mga pangungusap, ang mga panghalip ay ginagamit parang mga pangngalan o pang-uri. Pero merong nangyayari kung ang 󱤴 mi o 󱥞 sina ay ang nagsasagawa ng aksyon sa isang pangungusap:

󱤴󱥵
mi wawa.
Ako'y malakas.
󱥞󱤮󱤉󱤶
sina lukin e moku.
Nakakakita ka ng pagkain.
󱤴󱥡󱤉󱤗󱥣
mi sona e kasi suli.
Alam ko ang malaking halaman.
󱥞󱥡󱤉󱥣󱤗
sina sona e suli kasi.
Alam mo ang laki ng halaman.

Mayroong isang eksepsyon ang Toki Pona: kung ang 󱤴 mi o ang 󱥞 sina ay ang nagsasagawa ng aksyon sa isang pangungusapq, nawawala ang 󱤧 li na kadalasang sumusunod sa nagsasagawa ng aksyon. Ito’y dahil ang mga pangungusap na nagsisimula sa 󱤴 mi o 󱥞 sina ay sobrang madalas na isinusulat!

Puwede mo rin tignan ang…