Ngayon na may alam na tayong bansa, gumala na tayo! Pero paano mo sasabihin ang “pumunta sa” at “galing sa”? Ngayon, kailangan na ntin ang aksyon, o pandiwa at lokasyon, o pang-ukol:
tanggalin, tumakas; tanggal, takas
bigyan, lagyan
dumating
manatili, magbantay
Sa tabi ng mga pandiwa na ito madalas mong mahahanap ang mga pang-ukol:
kay, pumunta ka, pumunta sa
sa, doon sa
galing sa, dahil
Ang pang-ukol ay isang salita bago ang isan pang salita. Sinasabi nito ang relasyon ng parirala pagkatapos nito, at ng ibang bahagi ng salita. Ang pang-ukol at ang parirala na kasama niya ay tinatawag na parirala ng pang-ukol:
papunta sa hayop
sa bansa, doon sa bansa
galing sa bahay
Sa Toki Pona, mayroong dalawang paraan sa paggamit nito. Una, puwede natin ito lagyan sa katapusan ng isang pangungusap. Puwede natin itong gamitin upang malaman ang lokasyon at direksyon ng akston sa pangungusap:
mi pana e waso tawa kasi.
Naglagay ako ng ibon sa puno.
waso li awen lon kasi.
Nananatili ang ibon sa puno.
sina weka e waso tan kasi.
Tinatanggal mo ang ibon sa puno.
Pangalawa, paano kung gusto natin sabihin ito… na walang ibang nangyayari? Buti naman, puwede rin natin iyong gawin. Ang pariralang ito ay puwedeng nasa tabi lamang ng li, at gampanan ang papel ng pandiwa. Kapag ang pang-ukol ay ginagamit parang pandiwa, ibig sabihin nila: tawa ‘pumunta sa’, lon ‘maging nasa’, tan ‘pumunta galing sa’:
jan Ema li tawa ma Nijon.
Pumunta si Emma sa Japan.
jan Nina li lon ma Lusi.
Nasa Russia si Nina.
jan Mili li tan ma Kanse.
Si Millie ay galing sa France.
Magsanay tayo gamit nitong mga pangungusap:
mi tawa ma kasi.
Pupunta ako sa lupa ng mga halaman.
(Puwedeng gubat, kapatagan, o kahit saan man na mayroong maraming halaman.)
sona li weka tan mi.
Umalis ang kaalamam galing sa akin.
(Nakalimutan ko.)
soweli suwi li pona tawa mi.
Sa aking palagay, mabuti ang mga cute na hayop.
(Mabuti ang mga cute na hayop sa akin.)
jan Nowa li toki tawa jan Ema.
Nagsasalita si Noah kay Emma.
jan li toki Tosi lon ma Tosi.
Nagsasalita ng German ang tao sa Germany.