Course · Library · News · Discord · More
wasona.com

ika-10 aralin: ika-1 panahon ng pagpapahinga

Mga pangngalan, pandiwa, pang-uri, panghalip, pang-ukol, mgq preverb — marami ka nang natutunan! Ngayon, bagal-bagalan naman natin. Alam mo nama, ang pag-aaral ng mga wika ay nakapokus sa walang hanggang pangungusap. Pero hindi naman sa paulit-ulit kang masasanay. Para sumanay, kailangan mo ring makinig, magsalita’t magbasa.

Para sa araling ito, magbasa tayo ng isang maikling kuwento sa Toki Pona! Gumagamit lamang ito ng mga salita’t gramatikang natutunan na natin.

ika-1 yugto: kalama li lon ma

Makinig na muna tayo sa isang audio recording, at sumunod sa teksto .

Pagkatop na makining, subukan mong basahin nang malakas ang teksto. Tignan mo kung kaya mong sundan ang nais ipahiwatig ng teksto! At pagkatapos mo dito, tignan mo ang isinaling bersyon ng teksto!

󱥢󱤧󱤬󱤰󱤗 soweli li lon ma kasi. Mayroong isang usa sa gubat.

󱥂󱥆󱤧󱥢󱦐󱤶󱥱󱤶󱥱󱦑 nimi ona li soweli Mumu. Ang pangalan niya'y Mumu.

󱥢󱦐󱤶󱥱󱤶󱥱󱦑󱤧󱤢󱥔 soweli Mumu li lape pona. Tulog na tulog na siya.

󱤗󱤧󱤈󱤉󱤢󱥆 kasi li awen e lape ona. At pinrotektahan siya ng mga puno.


󱤕󱤾󱥣󱤧󱤖 kalama nasa suli li kama. May dumating ingay na malakas at nakakaiba.

󱤢󱤧󱥶󱥧󱥢 lape li weka tan soweli. Nagising ang usang ito.

󱥢󱤧󱥷󱥡󱤉󱤕 soweli li wile sona e kalama. Gusto niya malaman kung ano ang ingay na ito.

ika-2 yugto: waso li kalama

󱥴󱤨󱥦󱤧󱤖 waso lili suwi li kama. May dumating isang cute at maliit na maya.

󱥂󱥆󱤧󱥴󱦐󱥣󱤍󱤑󱥱󱦑 nimi ona li waso Siju. Ang pangalan niya'y Siju.

󱥢󱤧󱤮󱤉󱥆 soweli li lukin e ona. Tinignan ng usa ang maya.

󱥢󱤧󱤖󱥡󱤉󱥁 soweli li kama sona e ni: Nalaman niya ito:

󱤕󱥵󱤧󱥧󱥴󱥁 kalama wawa li tan waso ni. Galing sa ibong ito ang ingay.


󱥴󱤧󱥷󱤶 waso li wile moku. Nagutom ang maya.

󱥷󱥆󱤧󱥣 wile ona li suli. Gipit na gipit na siya.

󱥆󱤧󱤕󱥣󱥧󱥁 ona li kalama suli tan ni. Kaya'y sumigaw siya.

ika-3 yugto: waso li moku pona

󱥁󱤧󱤍󱥩󱥢󱦐󱤶󱥱󱤶󱥱󱦑 ni li ike tawa soweli Mumu. Nakalungkot ito kay Mumu.

󱥢󱤧󱥷󱥔󱤉󱥴 soweli li wile pona e waso. Gustong tulungan ng usa ang maya.

󱥢󱤧󱥌󱤉󱥑󱥣󱥩󱥆 soweli li pana e pipi suli tawa ona. Ipinakain niya siya ng isang malaking uod.


󱥴󱤧󱤶󱤉󱥑 waso li moku e pipi. Kinain ng maya ang uod.

󱥁󱤧󱥔󱥩󱥆 ni li pona tawa ona. Itinanggal nito ang gutom niya.

Nahirapan ka ba sa iilang mga pangungusap sa Toki Pona? Baka hindi mo pa silang naiintindihan ng mabuti? Okay lang! Bahagi rin iyan sa pag-aaral. Dito’y kung saan nagkakasama ang komunidad ng Toki Pona. Sumali sa isang aktibong grupo sa Toki Pona, ipakita mo ang mga pangungusap kung saan nahihirapan ka, at humingi ng tulong. Palaging mayroong tao na gustong tumulong!

Paano ba natin sabihin ang salitang usa kung walang salita para sa usa?

Nakakawili-wili, Ang wikang Tagalog at Toki Pona hindi masyado nakakatugma! Ang isang usa at maya sa Tagalog nagiging “hayop” at “ibon” sa Toki Pona. Bakit nga ba?

Pinapanatili lang natin ang mga detalye na kinakailangan para maiparating ang ideya. Ang kuwento natin ay hindi magbabago kung si soweli Mumu ay baka pala, o iskuwirel, o unggoy. Ang mambabasa ay ang mag-imagine kung anong hayop ang gusto nila. Medyo rin natin ito ginagawa sa Tagalog: puwede mong isipin na ang pakpak ni waso Siju ay kahit anong kulay, dahil hindi naman ito importante sa kuwento.

Ano kaya kung ipinatuloy natin ang kuwento at naging importante? Edi ang mga bagong detalye ay gagawing mas magpapalinaw ng larawan. Baka sa susunod ng kuwento, si waso Siju ay lumipad ng palayo — ngayon alam na natin na hindi siya ostrich. Baka ang ama ni soweli Mumu ay may sungay — ngayon alam na natin na hindi siya iskuwirel.

Pinipinta natin ang larawan ng paisa-isa sa bawat bagong detalye, hanggang tama na. Sa ganitong paraan, Ang ating parang 130 na salita ay puwedeng makasama para ilarawan ang kung kahit ano. Alam mo na ang 40 sa kanila, kaya ipagpatuloy mo lang!