Course · Library · News · Discord · More
wasona.com

ika-12 aralin: mga pakiusap

Sa Toki Pona, ang pangungusap na may 󱤧 li ay isang nakatotoong pahayag. Pero minsan, imbis na magsalita ng mga pahayag na totoo, gusto nating magpahayag ng nga kahilingan. Ang pakiusap ay kung paano tayo nagpapahiwatig ng ating mga ninanais na gawin. Sa isang pakiusap, imbis na 󱤧 li ang gagamitin, gagamitin na natin ang 󱥄 o:

󱥄
o
nagsisimula ng isang pakiusap, utos, direksyon, o hiing
󱤎󱤧󱥠󱤉󱥑
ilo li sitelen e pipi.
Nagpapakita ang phone ng insekto.
󱤎󱥄󱥠󱤉󱥴
ilo o sitelen e waso!
Phone ko, magpakita ka nga ng ibon!

Tumingin pa tayo sa iilan pang mga halimbawa ng mga utos:

󱤑󱥄󱤮󱤉󱤪󱥔
jan o lukin e lipu pona!
Mga tao, Basahin niyo po ang mabuting papel!
󱥢󱤴󱥄󱤶󱥔
soweli mi o moku pona!
Pusa ko, kumain ka nga ng mabuti!
󱤑󱤨󱥞󱥄󱤖󱥵
jan lili sina o kama wawa!
Sana'y maging malakas ang bata mo!
󱥔󱥄󱥩󱥞
pona o tawa sina!
Sana'y pumunta ang kabutihan sa iyo! (Sana'y tulungan ka ng Diyos!)

Baka nakita mong naghihiwalay sila sa dalawa:

Puwede natin silang gamitin na magkahiwalay:

󱤑󱦐󱤉󱤶󱤂󱦑󱥄󱥐󱤉󱤯󱥭
jan Ema o pini e lupa tomo!
Emma, pakisarado po ng pinto!
󱤑󱦐󱤉󱤶󱤂󱦑󱥄
jan Ema o!
Oy, Emma!
󱥄󱥐󱤉󱤯󱥭
o pini e lupa tomo!
Pakisarado po ng pinto!