Course · Library · News · Discord · More
wasona.com

ika-13 aralin: mga elemento

Okay, para sa araling ito, magpahinga na muna tayo sa gramatika’t mag-pilosopo tayo!

Kahit noong dati pa, Sinusubukan ng mga taong humanap ng pinaka simpleng bagay, kung saan lahat ng ibang bagay ay gawa sa kombinasyon nito, o puwedeng magrupo dito. Naisip ng mga Chinese ang kahoy, apoy, lupa, bakal, at tubig. Ang mga Greeks — ng apoy, lupa, hangin, at tubig. Minsan, kasama rin ang kalangitan. Kahit ngayon, nang maraming tanong na ang nasasagot ng siyensya, halos lahat ng bagay ay nagugrupo sa ‘four states of matter’: gas, liquid, solid, plasma.

At siyempre naman, ang mga elemento, materyales, at states of matter ay hindi kayang ipaliwanag ang kabuoan ng ating komplikadong daigdig. Pero tinutulang nila tayo na maunawaan ito. Kaya matuto tayo ng salita sa Toki Pona na mahalaga sa paglalarawan nila:

󱤝
kon
hangin, espirito, kahulugan
󱥪
telo
tubig, isang likidong umaagos ng malakas
󱤜
ko
isang malambot na solid o isang makapal na likido, tulad ng buhangin, luwad, kuwarta, pandikit
󱤛
kiwen
isang matigas na solid, tulad ng bato, kahoy, bakal
󱥗
seli
apoy, mainit, masunog
󱤦
lete
malamig
󱥚
sewi
langit; mataas, banal

Parehas ng mga klasikong elemento, Ang mga salita sa Toki Pona ay malawak sa kahulugan, na puwedeng magpahiwatig ng mga maraming ideya.

Ipinapakita lang nitong kurso ang pinaka-pundasyon ng Toki Pona, kaya inililista namin ang bawat salita na may maliit na kahulugan. Pero ang isinaling bersyon ay nagpapahiwatig lamang ng isang maliit na bahagi ng semantic space ng isang salita — ang kabuoan ng mga kahulugan kung saan ang isang salita ay hindi nakakaiba. Kung gusto mong palawakin ito, papalawakin mo rin ang mga sitwasyon nito! At dumadating iyan sa pagsasanay at oras.

Matuto tayo sa mga salitang ito gamit ng mga parirala’t pangungusap:

󱤛󱤗
kiwen kasi
ang matigas na bahagi ng isang halaman, kahoy
󱤜󱤦
ko lete
malamig na himulmol, niyebe
󱤝󱥚
kon sewi
espiritong banal
󱥪󱤾
telo nasa
inumin na nagpapalasing, alak
󱤦󱤧󱤈󱤉󱤶
lete li awen e moku.
Ipinepreserba ng lamig ang pagkain.
󱥗󱤧󱤶󱤉󱤛󱤗
seli li moku e kiwen kasi.
Isinunog ng apoy ang kahoy.
󱥪󱤧󱤖󱥧󱥚
telo li kama tan sewi.
Nalalaglag ang tubig galing sa langit.
(Umuulan.)
󱥄󱤖󱥡󱤉󱤝󱥬
o kama sona e kon toki!
Aralin mo nga ang kahulugan ng salita!