Natuto na natin ang mute noong nakaraan, at mahalaga naman ito!
Pero pagnilayan na muna natin ito. Alam na natin kung paano ilahad ito:
nakakatuwang pusa
maraming pusa
nakakatuwa na nakakatuwa (o, sobrang nakakatuwa)
Pero paano naman kung pinagsama-sama natin itong lahat? Masasabi ba natin na mayroong maraming nakakatuwang mga pusa o isang sobrang nakakatuwang pusa?
maraming nakakatuwang pusa
Ibig sabihin nga nito na mayroong maraming nakakatuwang pusa, kasi ang suwi ay naglalarawan sa soweli, at ang mute ay naglalarawan din sa soweli.
Pero sa tingin ko, sobrang nakakatuwa ang pusa ko! Paano ko nga lang ito masasabi? Paano kung gusto ko na ang mute ay maglalarawan sa suwi, hindi soweli?
Dito na papasok ang isa pang bagong partikulo:
isang partikulo na nagsasama ng mga pang-uri
sobrang nakakatuwang pusa
Voilà! Ngayon, kaya na nating makipag-usap ng isang soweli na suwi mute!
Kung nai-interes ka sa mga maths, kaya mo itong itulad sa paglagay nito sa loob ng mga parentheses, at baguhin ang pagkasunod-sunod ng mga gawain: ‘pusa matuwa marami’ vs ‘pusa (matuwa marami)’.
Isa pang halimbawa:
larawan ng bahay
mga larawan
mga bahay
mga larawan ng bahay
larawan ng mga bahay
Ulit, kaya mo itong isipin bilang ‘larawan bahay marami’ vs ‘larawan (bahay marami)’.
Siyempre naman, hindi lang sa mute pumapasok ang pi! Tignan natin ang mga ibang halimbawa:
mabuting tao
maliit na tao
medyong mabuti
maliit na mabuting tao
medyong bagong tao
‘tao mabuti maliit’ vs ‘tao (maliit mabuti)’.
kaalamang guerra (o, estratehiya)
kaalamang bago
bagong guerra
bagong kaalaman ng guerra. Ang kaalaman ang bago.
kaalaman ng bagong guerra. Ang kaalaman ang bago.
‘kaalaman guerra bago’ vs ‘kaalaman (guerra bago)’.
Bakit may pinagkaiba ang pagkasunod-sunod ng salita sa Tagalog, eh, ‘di naman nagbago sa Toki Pona? Baka tanungin mo ito. Kadalasang ginagamit ang mga bahagi ng pangungusap ang ang pagkasunod-sunod nito sa Tagalog. Ang Marami ay isang pang-uri, pero ang sobra ay isang pang-ukol. Kung meron itong dalawa sa isang pangungusap, kadalasang ginagait natin ang salitang ‘ng’ (o ang hulaping ‘-ng’) para paglinawan ito.
Pero sa Toki Pona, ang mga salita ay kayang maging lahat ng mga bahagi ng pangungusap, kaya hindi naman ito gagana. Dahil dito, ang Toki Pona ay gumagamit na lang ng isang partikulo para baguhin ang pagkasunod-sunod nito.