Course · Library · News · Discord · More
wasona.com

ika-26 na aralin: pagmamahal at identidad

Nakita mo na ang 󱤧󱥔󱥩󱤴 … li pona tawa mi ay isang kadalasang paraan para magsabi ng ‘gusto ko …’. At, Siyempre, Puwede rin nating sabihin 󱥔󱤼 pona mute para pag-usapan tungkol sa gustong-gusto na tao. Ngunit hindi yan ang kaparehas sa pagmamahal ng tao! Kaya tignan natin ang mga salita para sa pagmamahal, aat anong tawagin sa mga taong mahal mo:

󱥅
olin
magmahal
󱥯
unpa
magkantot
󱤱
mama
magulang
󱤵
mije
lalaki, taong maskulado, asawang lalaki; male
󱤳
meli
babae, taong pemenino, asawang babae; female
󱥾
tonsi
di-binaryo, di-umaayon sa pamantayan ng kasarian; trans

Maraming kursong pangwika ay nagsisimula sa mga salita para sa “lalaki, babae, batang babae, batang lalaki, ina, ama” at iba pa. Sa Toki Pona naman, hindi masyado importante ang mga kasarian. Hindi mo makikita ang 󱤵 mije, 󱤳 meli, 󱥾 tonsi sa lahat ng pangungusap. Madalas lang silang nababanggit kapag pinag-uusapan ang mga inaasahan ng lipunan tungkol sa kasarian, lalo na talaga sa relasyon o pagmamahalan.

󱤴󱥅󱤉󱤵󱤴
mi olin e mije mi.
Mahal ko ang jowa kong lalaki.
󱤱󱥄
mama o!
Ina! (o) Ama!
󱤴󱥅󱤉󱤳
mi olin e meli.
Mahal/gusto ko ang mga babae.

Ang salitang ‘non-binary’ ay galing sa modernong kulturang kanluranin, ngunit may identidad na hiwalay sa babae at lalaki na mayroon sa iba’t ibang kultura sa iba’t ibang panahon, kagaya ng Scythian enarei, Samoan fa’afafine, Thai kathoey, at marami pang iba. Ang 󱥾 tonsi ay isang salita para ilarawan ang alinman sa kanila, hindi naman ipinahihiwatig ang kahit anong kultura.

Mga marami pang halimbawa ng mga sitwasyon kung saan ang kasarian ay maaaring may kinalaman:

󱤥󱤴󱤧󱤵
len mi li mije.
Ang kasuotan ko ay maskulado.
󱤑󱥅󱤴󱤧󱥾
jan olin mi li tonsi.
Ang jowa ko ay di-binaryo.
󱤴󱤳󱤉󱥛󱤴󱤙󱦇
mi meli e sijelo mi kepeken misikeke.
Ginagawa kong mas peminino ang katawan ko gamit ang gamot

maraming subject

Nakita na natin kung paano ang ‘e … e …’ ay puwedeng gamitin para ipakilala ang mga ilang bagay sa pangungusap, at kung paano ang ‘li … li …’ ay puwedeng gamitin para ipakilala ang mga ilang pandiwa. Pero hindi naman natin puwede ipagtabi ang mga subject sa isa’t-isa, kasi hindi mo alam kung saan ang tumatapos ang isang subject at kung saan nagsisimula ang iba. Para masolusyunan ito, gagamitin natin ang bagong partikula sa pagitan nito:

󱤊
en
sumasali ng mga subject
󱤴󱤊󱥆󱤧󱥬
mi en ona li toki.
Ako at siya ay nagkukuwentuhan.
󱥢󱤊󱥴󱤧󱥱
soweli en waso li utala.
Ang hayop at ang ibon ay lumalaban.
󱤳󱤊󱤵󱤧󱥯
meli en mije li unpa.
Ang babae at lalaki ay nagkakantutan.

Puwede mo rin tignan ang…