Course · Library · News · Discord · More
wasona.com

ika-27 na aralin: mga kulay

Mag-usap tayo tungkol sa mga kulay!

󱤞
kule
kulay, uri; makulay
󱥲
walo
puti, maputla
󱥏
pimeja
itim, dilim
󱤫
loje
pula, magenta
󱤒
jelo
dilaw
󱤣
laso
berde, asul-berde, asul

Sa sitelen pona, maraming pangkulay na salita ay mukhang compounds: binubuo sila ng pormang tatsulok sa 󱤞 kule na sumama sa isa pang salita, kagaya ng 󱤂 ala, 󱥰 uta, 󱥤 suno, 󱤗 kasi. Mayroon pang ibang mga compound glyph sa sitelen pona, pati: 󱤶 moku, 󱥉 pali, 󱤙 kepeken may 󱤭 luka, at 󱤕 kalama, 󱥌 pana, 󱥡 sona, 󱥬 toki gamitin ang tatlong guhit na tinawag naming mga ‘emitters’. Saludo sa iyo kung nakita mo ang mga pattern na ito kanina!

Ang mga salitang pangkulay, siyempre, ay nangangahulugang buong espektro ng mga kulay, hindi lang yung mga nakalista dito. Ang 󱤣 laso ay mas lalong nakakawili: sa Toki Pona, ang berde at asul ay uri lang ng isang kulay, kagaya sa wikang Hapon, Vietnamese, Zulu at iba pang mga wika. Ang dalawang pangungusap na ito na makakasama ay may saysay sa Toki Pona, pero hindi sa wikang Ingles:

󱥹
kin
at saka, din/rin
󱥚󱤧󱤣
sewi li laso.
Ang langit ay asul.
󱤗󱥹󱤧󱤣
kasi kin li laso.
Ang damo, rin, ay berde.

Kailangan mo ba ng kulay?

Kagaya ng mga kasarian, ang kulay sa Toki Pona ay hindi masyado ginagamit kaysa sa ineexpect mo. Sa mga natural na wika, ang mga kulay ay madalas ginagamit bilang shortcut na tumutukoy sa mas espesipiko na kahulugan: ang kasinungalingang puti, ang palengkeng itim, ang bahay na berde. Ayaw ng Toki Pona ang mga shortcut na hindi agad dumidiretso sa punto:

󱥭󱤣
tomo laso
bahay na berde
󱥭󱤗
tomo kasi
bahay-patubuan

May malaking diperensiya sa pagitan ng bahay na puti at ang Bahay na puti (galing amerika):

󱥭󱥲
tomo walo
bahay na puti
󱥭󱥁󱤡󱤑󱤧󱤤󱤉󱤰󱦐󱤶󱤉󱥴󱤍󱤗󱤂󱦑
tomo ni la jan li lawa e ma Mewika.
ang Bahay na puti (galing Amerika)

Ngayon ko lang ito binanggit, dahil ang mga kulay ay ang pinakahalatang halimbawa, pero ang kaparehas pala ay puwedeng i-apply sa kahit anong parirala! Bago gumamit ng pang-uri, mas mapapakinabangan kung ikaw ay huminto at mag-isip: ang mga pang-uri na ito ay nakakakuha ba ng pinaka-importanteng bahagi ng gusto mong pag-usapan?, o shortcut lang ba ito para sa ibang bagay?