Course · Library · News · Discord · More
wasona.com

ika-1 na aralin: pagbibigkas

Ang Toki Pona ay mayroong 9 na katinig at 5 patinig. I-click mo ang kada isa para marinig mo kung paano sila ibinibigkas!

Mga katinig

LabialCoronalDorsal
mn
ptk
s
wlj

Mga patinig

HarapSentralLikod
iu
eo
a

Kung nagsasalita ka ng Tagalog o Ingles, marami dito ay alam na alam mo na! Pero mayroong dalawang pagkakaiba na kailangan mong intindihin:

Sa Ingles, ang isang pantig sa salita nito ay pwedeng magkaroon ng maraming katinig: strengths, sprite, fifths. Parehas rin sa Tagalog, pero hindi kasing kadalas, at madalas lamang sa mga diyalekto: dyaan, dyip, tsokolate. Pero sa Toki Pona, isang katinig lamang o isang patinig ang pwede sa simula ng pantig, at ang n lamang ang pwedeng tumapos nito: ken, li, wan, a.

Ang diin ay nasa pinakaunang pantig ng salita lamang: pona, ala. Parehas rin sa mga mas mahabang salita: kalama, akesi.

Makinig tayo sa iilang mga salita galing sa Toki Pona:

I-click ang salita para makinig kung paano sila ibinibigkas!

SalitaKahuluganNakakatulong na tip
mimeAng patinig ay magkatulad sa Ingles, pero iba ang pagbaybay!
kencanAng patinig ay magkatulad sa Ingles, pero iba ang pagbaybay!
jantaoAlalahin mo kung paano Ibigkas ng letrang j
kutehearAng letrang -e sa dulo ay totoong patinig!
nanpanumberAno nga pala, binabaybay rin natin ang np, pero madalas naming binibigkas ito ng mp!
kalamatunogI-test mo ang abilidad mo na Ibigyang-diin mo ang unang pantig/silaba!
akesibutikiAng mga salita ay puwedeng magsimula sa pantig!

Puwede mo ring tignan ang…