Matuto tayo ng iilan pang mga salita tungkol sa mga gawain!
mag-away, umatake
matulog, magpahinga
tumuog; ingay, tunog
magsaya; nakakatawa, nakakawili
nakakaiba, di-madalas, makulit, lasing
Ang dali lamang ng mga salitang ito! Gamitin natin sila:
soweli li utala e jan.
Inatake ng hayop ang tao.
sina lape lon tomo.
Natutulog ka sa bahay.
nimi ona li nasa tawa mi.
Sa aking palagay, nakakaiba ang pangalan niya.
jan lili li musi tan kalama.
Nagsasaya ang bata dahil sa mga tunog.
Mga preverbs
Minsan, gusto natin na magsalita hindi lamang sa aksyon, pero kung ano yung relasyon natin dito. Baka meron tayong gustong gawin. Baka puwede natin itong gawin. Baka gusto natin na magsimula o manatiling gumagawa ng isang bagay.
Sa Ingles, ito ay ang mga auxilliary and modal verbs. Sa Tagalog, mayroong ganito rin tayo, pero madalas ay panlapi lang sila. Ang Toki Pona ay gumagamit ng isang sitema parang ng sa Ingles, tawag namin sa kanila ay mga preverbs! Ang preverb ay isang nakasamang verb na nasa likod ng main verb. Alam mo na iilan sa kanila! Aralain natin kung ano ang ibig sabihin nila kung ginamit parang ganito:
Magsimulang ..., maging ..., (mag-)...
Manatiling (nag-CV~)...
Iilan lang na pandiwa sa Toki Pona ay puwedeng maging preverb. Kaya aralin din natin ang mga natitira:
gustong (mag-)...; to want, to require
magkaroon ng kakayahan na (mag-)...; to allow, to be possible
subukan na (mag-)...; to seek, to hunt, to gather
Kagaya ng kama at awen, puwede sila maging mga preverb at normal na mga pandiwa!
Mahalaga talaga ang mga preverbs! Tumingin tayo sa mga parirala na gumagamit nito:
gustong matulog
manatiling maging mabuti
maging maalamin, matuto
subukang maging malakas
Gamitin natin ito sa mga pangungusap:
waso lili li wile lape.
Gustong matulog ang maliit na ibon.
mi kama sona e toki pona.
Natututo ako ng Toki Pona.
sina alasa tawa ma Tosi.
Sinusubukan mong pumunta sa Germany.
toki ona li awen nasa tawa mi.
Nananatiling nakakaiba ang salita nila sa akin.