Course · Library · News · Discord · More
wasona.com

Q: Ano pa ang mga ibang kursong Toki Pona diyan?

Maraming mga learning resource para sa Toki Pona. Puwede ka ring mag-aral ng Toki Pona gamit ng ilan sa mga iyon! Gusto kong ibahagi ang mga resource, na sa tingin ko ay maganda, kung ano ang partikular kong nagustuhan sa mga ito, at kung ano ang sinubukan kong ipabuti.

lipu sona pona ni jan Lentan

Ang lipu sona pona ay isang kurso na ginawa noong 2020–2022. Kumpara sa mga naunang mga kurso, ang lipu sona pona ay gumawa ng malalaking hakbang upang maipakita ang Toki Pona sa paraan ng paggamit nito ngayon! Ito ay naisalin na sa German, Espanyol, Esperanto, Polish, Portuges, Rusyano, at Tsino.

Kumpara sa lipu sona pona, sinubukan kong bawasan na bigyang pansin ang variation ng mga nagsasalita, na mas kawili-wili noong 2020 (dahil talagang nagsisimula palang na maging buo ang wika noong panahong iyon), ngunit hindi na ito gaanong mahalaga para sa mga bagong mag-aaral ngayon. Sinubukan kong isama ang mas maraming sitelen pona, na hindi pa napapansin noong 2020, na kung saan ito ay nilagay nalang sa isang karagdagang pahina.

lipu sona ni soweli Lote

Ang lipu sona ay isang kurso na ginawa noong 2022–2024. Ito ay naisalin na sa French, Italyano, Hapon, at Norwegian. Medyo maigsi ito, at ginagamit ng sitelen pona sa buong kurso.

Kumpara sa lipu sona, sinubukan ko na iwasan ang jargon, tulad ng ‘panturing/modifier’ at ‘panag-uri/predicate’ at ang paggamit ng kulay para igrupo ang mga piraso ng isang salin na informative, pero nakakapagod sa mata.

Learn Toki Pona! ni mun Kekan San

Ang Learn Toki Pona! ay isang kurso na sinimulan noong 2022, at patuloy na pinagbubuti hanggang ngayon. Makukuha ito bilang kursong teksto at bilang isang video series. Itinatampok nito ang sitelen pona, ag pinipilit kang isaulo ito nang mas lubusan. Malalim na tinatalakay nito ang maraming paksa, at ang mga halimbawang pangungusap ay hindi simple lang at napapaisip ka.

Kumpara sa Learn Toki Pona!, sinusubukan ko na paigsiin at mas-focused ang mga aralin para hindi mawala o ma-overwhelm ang mag-aaral. Dahil dito, mas malapit ang Wasona sa mga tradisyunal na kurso kumpara sa Learn Toki Pona!. May mga ideya naman ako na ipinatili, tulad ng prominenteng paggamit ng sitelen pona, at ang pagpapakita ng diyalogo.

o pilin e toki pona ni jan Telakoman

Ang o pilin e toki pona ay isang video course na ginawa noong 2023. Natatangi ito sa ibang mga kurso sa listahan na ito dahil tinuturuan ka nito sa pamamagitan lamang ng comprehensible input — isang paraan ng pag-aaral sa pamamagitan ng exposure, nang walang mga paliwanag sa gramatika na mula sa iyong sariling wika. Hindi ko pa ito napanood, kaya wala na akong masyadong masabi tungkol dito! Pero, alam ko ang ilang tao na napanood na ito at nagustuhan nila ito.

Ibang resources

Ang sona pona, ang wiki na tungkol sa Toki Pona, ay may sarili nitong listahan para sa listahan ng recommended learning resources. Mayroon itong mga introductory video, mga diksyunaryo, mga flashcard, at marami pang iba. Karamihan sa mga komunidad ay mayroon ding mga rekomendasyon na handa kung gusto mong magtanong!