Nagtuturo ang kursong ito ng 131ng salita. mga 60% pataas ng mga nagsasalita ng Toki Pona ay gumagamit nito. 120ng salita ay nailagay sa lipu pu — ‘Toki Pona: The Language of Good’ ni Sonja Lang, na lumabas noong 2014. Mga ilan pang salita ay madalas nahahanap sa komunidad. Puwede mong pag-isipan itong salitang ito bilang core o common na bokabularyo, kung saan lahat ang puwede mong pag-usapan.
Nasa ibaba ang mga di-karaniwang salita, pero ang mga ito ay ginagamit pa ng iba — ng 10% pataas ng lahat ng nagsasalita ng Toki Pona. Mayroong ganitong mga salita dahil sa sumusunod:
- Iilan sa kanila ay inilikha noong bago pa lamang ang Toki Pona, para sa mga sinaunang draft nito. Hindi na ito kinakailangan sa araw-araw na pag-uusap, pero mayroong interesado sa ganitong paghuhukay ng mga makalumang salita!
- Iilan sa kanila ay pagsusubok para mabuo ang mga ‘patlang’ sa wika, para mas maayos ang paggamit nito. Pag-usapan natin kung bakit hindi sumang-ayon lamang ang mga marurunong magsalita ng Toki Pona!
- Iilan sa kanila ay mga pabiro-biro lang. tignan natin ang historya nito!
Contents
- lanpan
- meso
- oko
- epiku
- su
- majuna
- jasima
- linluwi
- nimisin
- ali
- kokosila
- usawi
- wuwojiti
- kiki, puwa
- apeja
- powe
- omekapo
- isipin
- te, to
- yupekosi
- san, po
- kamalawala, wasoweli
- kapesi, unu
lanpan
magnakaw, kumuha (59%)
Ang lanpan ay inilikha noong 2017. nananatiling matatag ang paggamit nito hanggang ngayon, ero marami pa rin ang nagsasabi na hindi sila gumagamit nito. Marahil na ginagamit ito para maihiwalay ang lagyan ( pana) at kunin. Ang mas madalas na pagsabi ng “kunin” ay kama jo o ‘magsimulang magkaroon’.
Sa paglipas ng oras, nagbago ang kahulugan nito galing sa ‘kumuha’ (ang orihinal na paggamit nito) sa ‘magnakaw’, kaya puwede mo itong pag-isipan bilang isang mas tiyak na uri ng kama jo.
Ang lanpan ay nagbigay ng daan sa sentral na biro ng lanpan pan ni pan Temili, isang pagsasalin ng ‘Stealing Food’ ni Jay Foreman.
meso
gitna, hindi ang mga sukdulan (52%)
Ang meso ay inilikha ni jan Olipija noong 2020. Gusto ni jan Olipija na mailarawan ang pagiging ‘mahina ang pandinig’ na hindi maayos na pandinig at hindi bingi, na walang emosyonal na konotasyon. Baka ang kute pakala o kute lili ay nakaka-disrespeto, at ang kute insa ay puwedeng makalito, halimbawa, bilang tungkol sa loob ng tainga.
Samantala, marami ng mga gumagamit ng salitang meso ay hindi alam ang mga pinanggagalingan nito, at ginagamit na lang ito bilang isang henerikong pagsasalin ng ‘gitna, karaniwan’. Para diyaan, Ang insa ay madalas gumagana rin. Ang nasa ala o lili ay puwede ring gamitin. Madalas mas maayos ang mga ito kaysa sa meso:
telo en nena la tomo li lon insa.
Sa burol at sa ilog, ang bahay ay nasa gitna nito.
suli sijelo la mi nasa ala.
Para sa aking tangkad (o timbang), karaniwan lang ako.
mi pilin pona lili.
Maayos lang ang pakiramdam ko. Halos pang-karaniwan lang.
oko
mata (52%)
Ang oko ay isa sa mga sinaunang salita na ginawa para sa Toki Pona, Pero sa kanyang publication noong 2014, pineresenta ni Sonja Lang na ang oko at lukin ay magkasing-kahulugan. Hindi masyadong malikhain ang Toki Pona noon tungkol sa pagkakaisa ng pangngalan at pandiwa, kaya habang naging mas marunong ang tao sa wikang ito, naging mas halata na ang lukin, kapag ginamit bilang pangngalan, ay puwedeng pumalit mismo sa oko, kaya hindi na kinailangan ang isang magkahiwalay na salita para sa ‘mata’.
epiku
epic, astig, lupit (50%)
Ang epiku ay inilikha noong 2019, at nakaraiting sa tuktok ng kasikatan nito noong 2020. Kadalasan, ginagamit ito nilang pandamdam. Sa totoo, nanggagaling ito sa French, pero nakakaunawa ang lahat na ang kasikatan nito ay may direktang relasyon sa Ingles.
Minsan, nakita namin ang epiku at mga ibang pandmadam na galing sa Ingles noong 2020 hanggang 2022. At habang naging mas marunong ang mga tao, gumamit naman sila ng mga salitang common para sa ganitong mga layon. Ang mga pandamdam tulad ng wawa! ay naging masmmadalas na ginagamit, at dahil dito, hindi na kinakailangan ang mga salitang ito. Makakakita ka ng mga halimbawa nito sa ika-18ng aralin.
su
(mag-interact sa) 'The Wonderful Wizard of Oz (Toki Pona edition)' (50%)
Ang su ay tumuturo sa ikatlong libro ni Sonja Lang pagkatapos ng lipu pu at lipu ku. Lumabas ito noong 2024. Nagsasabi sa pagsusuri namin na di-gaank ginagamit ang su kaysa sa pu at ku. Bakit kaya? Ang mismong mga dahilan at bunga ay mahirap na hanapin, pero ito ang mga obserbasyon namin:
- Bago pa lamang ang libro noong pagsusuri namin (mga isang taon pagkatapos lumabas ang libro), at mayroon pang ibang libro na darating sa serye. Baka lumipat ang su sa salitang ‘common’ doon sa kinabukasan.
- Habang ang pu at ku ay mga libro tungkol sa Toki Pona, ang su ay isang libro sa Toki Pona.
- Mayroong mahilig mag-usap tungkol sa mga salita o gramatika na hindi nakikita sa mga gawa ni Sonja Lang. Maraming may gustong ilista ang nimi pu at nimi ku. Kung ang layon su ay maging isang libro, ang pu at ku ay isa ring style.
Pag-isipan ng konti: meron bang makabuluhang pagkakaiba sa paggamit ng su bilang isang normal sa salita, kaysa sa isang pangalan?
majuna
luma, matanda (46%)
Ang majuna ay isang salita noong bago pa lamang ang Toki Pona, Pero hindi ito isinama ni Sonja Lang doon sa ipinalabas niya noong 2014. Bumalik ito noong 2017, habang bago pa lang ang ma pona Discord at noong interesado ito sa mga makalulumang salita na hindi nakasama sa pu. Galing noon, paminsan-minsan mo itong makikita. Noong 2024 ang bilang ng mga nagsasabing gumagamit nito ay tumaas — marahil dahil sa lipu su, kung saan ginagamit ni Sonja Lang ang majuna.
Puwede nating pag-usapan ang pagka-matanda gamit ng mga salitang common:
mama mama mi li awen lon tenpo suli.
Matagal nang namuhay ang mga lolo't lola ko.
len ni li sin ala.
Luma na ang mga damit na ito.
toki Emeki li toki pi tenpo weka.
Sinaunang wika ang wikang Sumerian.
jasima
salamin, sumalamin (43%)
Ang jasima ay inilikha noong 2018. Marahil na malagyan ang ‘patlang’ para sa ‘pagsasalungat’. Ang Toki Pona ay mayroong sama ‘tulad ng’, pero walang iisang pang-ukol para sa ‘magkasalungat sa’.
Nakakalito ang kahulugan na ito, kaya sa paggamit nito, naging tungkol naman ito sa salamin. Siyempre naman, Mayroong paraan ang Toki Pona sa pagsasalita tungkol sa pagsasalungat, repleksyon, at salamin:
mi lukin e mi lon sinpin.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
ilo lukin li pana e sitelen ante.
Nagbibigay ng nakasalaming imahe ang salamin.
sinpin pi tomo mi li lukin e sinpin pi tomo sina.
Nakaharap ang bahay ko sa iyo. Magkaharap ang bahay ko sa bahay mo.
linluwi
ang Internet, network (38%)
Sumikat ang linluwi noong 2020, at nanatiling matatag ang paggamit nito.
Ang Internet ay komplikado. Sobrang importante nito sa atin, pero iba ang ibig sabihin nito sa lahat. Koneksyon ba ito? Koleksyon ng mga gadyet? ng mga libro at de-papel? Isang metaporikal na lugar? ang salitang linluwi ay nagbibigay ng madaling solusyon dito. Isa itong shortcut na sumasalungat sa kagalingan ng Toki Pona: paghati ng mga komplikadong mga konsepto sa mga parte sa importante sa iyo.
Na-eenjoy ko itong halimbawa ni Sonja Lang tungkol sa isang WiFi network. Nakakalito kung bakit ang isang home appliance ay hindi gagana nang sarili lang, na walang ibang mga gadyet. Ang kulupu ilo ay isang magaling na paraan parasabihin kung ano mismo ang kailangan ng mambabasa at walang iba.
Siyempre naman, mag-iiba ang gagamitin mo sa ibang sitwasyon! baka importante kung kailangan ng wire ang koneksyon. O kaya, nagsasalita ka sa mga kaibigan mo, o nagbabasa ng post doon sa ‘di mo kakilala. O kaya hindi mo nakikita ang mukha ng tao, at mga text lang nila. Pag-isipan nang mabuti kung ano ba ang ibig sabihin ng ‘Internet’ sa iyo at sa sitwasyon mo!
nimisin
salitang hindi nasa pu; mga bagong salita; mga salitang pabiro-biro (38%)
Komplikado ang relasyon ng komunidad ng Toki Pona sa mga salita.
- Iilang mga salita ay gawa ni Sonja Lang, iilan naman galing sa komunidad ng Toki Pona.
- Iilang mga salita ay ginawa noong bago pa lang ang Toki Pona, iilan naman noong late 2010s o sa early 2020s.
- Iilang mga salita ay makikita sa libro ni Sonja lang, ang iba hindi.
- Iilang mga salita ay inilikha para mapabuti ang wikang ito, ang iba para mambiro lang.
- Iilang mga salita ay totoong ginagamit, at ang iba naaalala lamang dahil nakasulat ito.
Sa maraming mga mag-aaral, nakakataranta ito. Mayroong shortcut na nangyari lang, na walang may lumikha. Maraming tao, madalas mga mag-aaral, ay nagsasabi na ang salita ay isang nimisin kung gawa ito ng komunidad, o bago ito, o pabiro lang, o hindi ginagamit, o hindi nakikita sa mga libro.
Nakakatukso itong simpleng modelo na ito, pero sa aking palagay, hindi ito nag-aayos ng pagkakalito, itinatago lang ito. Madalas ginagamit ang tonsi, pero inilikha ito noong 2019. Ang kijetesantakalu ay inilikha para mambiro lang, pero mayroong gumagamit nito ngayon sa totoong kahulugan nito. Ang mulapisu ay inilikha ni Sonja Lang, pero bilang pabiro doon sa isang pag-uusap sa Discord na halos wala nang may nakakatanda. Alin sa kanila ay nimisin? Wala? Lahat? Walang may nakakaalam, dahil hindi naman tiyak ang kahulugan nito.
Kung mag-aaral ka, ang “ginagamit o di-ginagamit” ay ang pinaka importante dito! Para dito, gumawa kami ng apat na kategorya: “core”, “common”, “uncommon”, at “obscure”. Ang “core” at “common na salita lamang ang itinuturo ng kursong ito, at bgayon, nagbabasa ka tungko sa “uncommon” at “obscure” na salita.
ali
lahat, kada, 100 (32%)
ali ay isang alternatibong pagbigkas at pagsulat ng ale. Magkaparehas lang ang kahulugan. Ginawa ito noong bago pa lang ang Toki Pona, dahil ang mga nagsasalita nito noon ay hindi komportable dahil ang ale ay katulad sa pagbikas sa ala. Galing noon, pagkatapos na 2001, ang ale ay ang default o unang entry doon sa lahat ng mga opisyal na libro at website.
Noong 2001 at 2017, kasing dalas nakikita ang dalawang pagbigkas na ito. Pero mula 2017 pataas, paunti-unting nag-overtake ang ale sa ali doon sa kadalas ng paggamit nito. Ngayon, ang ale ay halos sampung beses mas madalas na ginagamit kaysa sa ali.
kokosila
Toki Pona lamang
magsalita sa ibang wika habang toki pona taso (26%)
Ang toki pona taso ay naglalarawan ng sitwasyon kung saan sumang-ayon ang mga mag-uusap na magsalita sa Toki Pona lamang. Madalas, nangyayari ito sa mga Discord channel o kaya sa event. Ang toki pona taso ay tumutulong sa mga tao na mahasa ang kanilang kaalaman sa Toki Pona sa pagbigay sila ng dahilan para magsalita dito lamang imbis na magsalita lamang doon sa ibang wika, tulad ng Ingles.
Ang kokosila ay isang bagong pambiro sa Esperanto: ang mag-‘krokodili’ ay ang pagsalita sa mga Esperantist sa wika na hindi Esperanto. Ang pinakamadalas na paggamit ng kokosila ay na sabihin mga ibang kausap na bumalik doon sa wikang pinag-aaralan at pinag-uusapan natin: o kokosila ala!. Siyempre naman, puwede natin iyang gawin nang madali gamit ng mga “core” na salita:
Magsalita ng Toki Pona! Magsalita ng maayos! Ne krokodilu!
usawi
mahika (23%)
Ang usawi ay inilikha noong 2019 na tumutukoy sa mahika o teknolohiyang sobrang komplikadona hindi na naiiba sa mahika. Hindi masyadong ginamit ankahulugan nito sa teknolohiya, kaya ngayon ay naiintindihan ang usawi bilang mahika lamang at ang mga bagay na kadugtong nito. Kaya mong magusap tungkol sa mahika gamit ng Toki Pona sa pamamagitan ng mga salitang wawa, nasa, at ken:
mi o suli e ken utala mi.
Kailangan kong matuto ng mahikang pang-atake.
o toki ala e wawa pi tenpo weka, jan nasa o. tenpo open ona la mi lon.
'Wag mong sitahan ang Malalim na Mahika sa akin, Bruha! Nandoon ako noong isinusulat iyon.
Ang salitang usawi ay mayroong impluwensiya sa pangalan ng isang musician sa Toki Pona, si jan Usawi.
Pag-isipan ng mabuti: sa mundo kung saan totoo talaga ang mahika, nakakaiba ba ito, o abilidad o kakayahan lang ito na puwedeng magkaroon ang tao?
wuwojiti
Ang wuwojiti ay isang mnemonic — isang instrumento para makabisado na ang mga pantig na wu, wo, ji, at ti ay hindi pinapayagan sa Toki Pona. Wala itongibig sabihin kung mag-isa lamang, at para lang na makuha ang iyong atensyon tungkol sa mga pantig na ito.
salitang pan-texture
matulis (21%)
malambot (10%)
Ang kiki at puwa ay inilikha noong 2020 hanggang 2021, at naglalarawan kung ano ang pakiramdam na hawakan and isang bagay. Ang mga salitang ito ay parang salitang bouba at kiki, mga salitang walang kahulugan para suriin ang simbolismo ng ponema sa wika ng mundo. Direktang inilikha ang kiki galing sa bouba at kiki, habang ang puwa ay walang koneksyon dito.
Kaya ng Toki Pona na ilarawan ang tulis at lambot gamit ng buong pangungusap. Nakakatulong na ilarawan kung ano ang nararamdaman ng balat o kamay mo:
palisa selo soweli li pakala lili e luka mi.
Matulis ang hayop na ito.
linja soweli li sama ko tawa luka mi.
Malambot ang balahibo ng hayop na ito.
apeja
kahihiyan (18%)
Ginawa ang apeja bilang isang ‘pagsusuri ng ideya sa forum post’ noong 2009. Noong 2016 hanggang 2020, isa ito doon sa mga mas sikat na salita doon sa listahan nitoa, at isa ito sa mga unang salitang binigyan ng larawan sa sitelen pona ng komunidad. Mula 2021, paunti-unti lumiit ang paggamit nito.
Maganda ang tunog nito at isang kahulugan na may pagka-angst, kaya madalas itong ginagamit sa mga kanta, tulad ng apeja li mi ni jan Lija (na may cover ni jan Usawi) o ang o lape ni kala pona Tonyu.
Sa mga kaswal na pag-uusap, sapat na inilalarawan ng pilin anpa ang kahulugan ng apeja.
powe
peke, di-totoo (18%)
Ginawa ang powe noong mga 2000s. Ang historya nito ay kagaya doon sa historya ng apeja: mga sinaunang pagsusuri sa Toki Pona, nakakuha ng isang larawan sa sitelen pona na gawa ng komunidad, at lumiit nang lumiit ang paggamit noong 2021. Masasabi natin ang ‘peke’ o ‘di-totoo’ sa Toki Pona gamit ng mga salitang “core”:
ni li lon ala!
Hindi ito totoo!
ma ni li lon lawa mi taso.
Sa utak ko lamang ang lugar na ito.
omekapo
kumain ng masarap na isda! (15%)
Ang omekapo ay inilikha noong 2020 na tumutukoy doon sa isang pangyayari sa Toki Pona meetup noong 2019 sa Texas, kung saan pinirmahan ni Sonja Lang ang isang kopya ng lipu pu na may-ari ni jan Maliku, at sinulat na: ‘o moku e kala pona.’ Nangyari ito doon sa isang sushi restaurant, kaya ninanais niya na ma-enjoy ni jan Maliku ang pagkain nila. Nasiyahan ang komunidad doon sa istorya na ito, at ito’y naging isang pabiro na paraan para magsabi ng ‘paalam’. Halos lahat ang may alam nito noong 2020, pero nawala ito ng kasikatan pagkatapos nito.
Ang mga pang-madalasan na paraan para sabihin ang ‘paalam’ ay ang:
mi tawa.
Aalis na ako.
o tawa pona!
Umalis ng mabuti (Ingat)!
isipin
mag-isip (13%)
Inilikha ang isipin noong 2020. Madalas, ginagamit ito ng mga tao dahil hindi nila alam kuna paano sabihin ang ‘pag-iisip’. Mayroong maraming paraan ang Toki Pona para pag-usapan ang pag-iisip. Puwede kang gumamit ng iilan dito, depende sa nais mong ipahiwatig:
mi toki insa e pilin mi.
Pinag-iisipan ko ang aking damdamin. (= naguusap sa loob ng isip)
mi pilin e ni: ...
Sa palagay ko... (= palagay, piling)
mi sitelen insa e ma.
Nag-iimagibe ako ng isang landscape. (= maglarawan sa loob ng isip)
Ang toki insa ay itinuturo doon sa foreword ng librong lumabas noong 2014.
salitang pansipi
nagbubukas ng sipi/quote (13%)
nagtatapos ng sipi/quote (13%)
Ang te at to ay inilikha noong 2020. Noong una, inilikha sila para maiba ang pag-uusap tungkol sa isang bagay at pagsabi ng isang bagay. Siyempre naman, puwede natin itong maiba gamit ng mga salitang “core”:
mi toki e ijo pona.
Nagsasalita ako tungkol sa mga bagay ng kabutihan.
mi toki e nimi Pona.
Sinabi ko ang salitang 'pona'.
Habang lumipas ang panahon, ang te at to ay nawala sa pagiging salita, pero marami pa ring gumagamit nito doon sa sitelen pona. Isa itong madaling paraan para maisulat ang isang corner bracket tulad ng sa CJK:
sina toki tawa mi: "mi wile moli"
sinabi mo sa akin: "gusto kong mamatay"
yupekosi
maging kagaya ni George Lucas at ayusin ang dati mong inilikha at sa totoo lalo pang pasamain (13%)
Ang yupekosi ay isang keysmash galing sa isang pag-uusap noong 2019. Biro ito tungkol sa paggawa ng bagong salita sa Toki Pona, na tulang ng pag-lalawak ng isang maayos na istorya o likhang-isip kumg saan ito’y madalas parang hindi tama ang pagkalagay.
salitang pambilang
tatlo (11%)
apat (7%)
Habang lumilipas ang panahon, mayroong hindi komportable dokn sa (mga) paraan ng pagsasabi ng mga numero sa Toki Pona. Mayroong mag-didisenyo ng isang paraan ng mga numerona mas kagaya sa kabisado na nila, madalas ang paraan ng mga wikang Indo-European at Sinitic, na mayroong tig-isang salitang-ugat para sa bilang 1 hanggang 10.
Nag-iwan ang mga pagsusubok na ito ng dalawang salita: san ‘tatlo’ at po ‘apat’ — galing sa dalawang proposal. Nakikita ito doon sa likujo ni jan Usawi. Ang salitang san ay umimpluwensiya sa pangalan ni mun Kekan San sa Toki Pona, isa pang guro at sikat na nagsasalita ng Toki Pona.
Sa katapusan, wala sa salitang ito ay naging masikat. Madali nating mapag-uusapan ang mga bilang galing 1 hanggang 10 gamit ng mga salitang “core”, at mayroong mga madalas na ginagamit na paraan para sa mga malalaking bilang.
mga portmanteau
anarchy (9%)
hayop na halo ng ibon at mammal (7%)
Ang mga salitang ito ay nakakaiba dahil halos magkaparehas lang ang pagkalikha nila. Mga pagpapaikli o portmanteau sila ng mga salita sa Toki Pona, na ginawa doon sa isang istorya — Ang jan pi kamalawala ni jan Wesu, at ang Caves of Qud mod ni akesi kon Nalasuni. Sa labas nito, puwede mo silang ilarawan gamit ng mga buong pangungusap.
Ang kamalawala ay minsan na ginagamit sa mga pampolitiko, dahil maraming may gusto pag-usapan ang anarchism, at sa mga kanta, dahil maganda ang pakiramdam na sabihin ito.
salitang pankulay
kayumanggi, kulay-abo (9%)
lila (8%)
Mayroong limang salita ang Toki Pona para sa mga kulay: walo, pimeja, loje, jelo, at laso. Dalawa pang iba, ang kapesi at unu, ay sumikat noong 2021, pero paunti-unting nawala sa popularidad.
Gamit ng mga salitang “common”, puwede mong makuha ang isang tiyak na kulay tulad ng kayumanggi o lila sa paghalo ng dalawang salitang kulay (loje laso, jelo pimeja, atbp.). Madalas, hindi naman kailangan ang ganito pagtitiyak, at isa lamang ay sapat na. Puwede ka ring tumukoy na lang sa kulay ng isang bagay, tulad ng kule ma.
Madalas itinuturo ng mga kurso na ang loje ay ‘pula, mapula’, kung saan nabibilang ang ‘magenta’ bilamg isang kulay na mapula. Sa paglipas ng oras, ang pagsang-ayon ng komunidad dito, na ang magenta ay isang uri ng loje, ay nagiiba-iba. Kung itinanong sa kanila kung ang magenta ay loje, isa lang sa tatlong mga sumagot noong 2021 ay sumang-ayon dito, pero mas marami sa kalahati ng mga sumagot noong 2024 ay sumang-ayon naman. Marahil na tumuturo ito sa mabilis na paggamit ng paraan sa itaas, at ang paunti-unti ng gumagamit ng unu.
Ang kapesi ay nagpakita na sa isang kanta ni kala pona Tonyu.