Ang nakakatawa tungkol sa malalaking numero ay mas madalang mo itong kailanganin kaysa sa iniisip mo.
Mayroong malaki at makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng ‘Tatalunan tayo ng isang tigre!’ at ‘Tatalunan tayo ng dalawang tigre!’. Marahil ay maaari mong labanan ang isang tigre, ngunit wala nang pag-asa kung dalawa ang tigre.
Pero, i-kumpara mo ang ‘Tatalunan tayo ng 77 na tigre!’ at “Tatalunan tayo ng 78ng tigre!’ — mahalaga pa ba yun? Ang iyong mga desisyon at ang iyong magiging kapalaran ay halos pareho. Kaya kadalasan, tatlong salitang panbilang lang talaga ang kailangan natin: wan, tu, at mute.
Kapag gumagamit ng maliliit na halaga ng pera, maaaring makakatulong ang mas tumpak na pagkalkula. Marahil ay kaya mong bilhin ang isang bagay na nagkakahalaga ng ₱77, ngunit kung nagkakahalaga ito ng ₱78, kulang ka ng isang piso. Para sa mga numerong mas mababa o humigit-kumulang isang daan, ginagamit namin ang mga salitang wan, tu, luka, mute, at ale, na para bang mga barya ang mga ito na nagkakahalaga ng 1, 2, 5, 20, at 100:
mute mute mute luka luka luka tu wan
78 (= 20 + 20 + 20 + 5 + 5 + 5 + 2 + 1)
Ngunit paglagpas ng 100, ang sistemang ito ay mabilis na nagiging nakakainis:
ale ale ale ale ale ale ale ale ale ale ale ale ale ale ale
1500 (= 100 + 100 + 100 + ...)
Noong 2021, nakabuo sina jan Kapilu at jan Tepo ng isang pinalawak at backwards-compatible na sistema upang pag-usapan ang malalaking numero: sa halip na magdagdag ng 100, pinaparami ng ale ang nakaraang numero ng 100.
luka luka luka ale
1500 (= (5 + 5 + 5) * 100)
Ito ay kapaki-pakinabang sa loob ng maraming taon sa kalendaryong Gregorian, at lalong maginhawa para sa kasalukuyang milenyo:
mute ale mute luka
2025 (= 20 * 100 + 20 + 5)
Protip: Pwede mo na ihati ng mga numero sa dalawang pares ng digit: 2025 -> 20,25, 123456789 -> 1,23,45,67,89, isalin ang bawat numero tulad ng 23 at 67, at ipagsasama ang mga ito gamit ang ale. Ang “pagpaparami sa 100” ay pareho lang, ngunit medyo naiiba ng kaunti ang paliwanag!
Kapag nagsusulat ka gamit ng karakter na Latin, pwede mong paikliin ang nga malalaking numero bilang W, T, L, M, at A:
tenpo sike #LLLTTAMLLLTT la, tenpo mun #LTT la, tenpo suno #W la, ma Tosi li kama utala e ma Posuka.
Noong ika-1 ng Setyembre 1939, sinakop ng Germany ang Poland.