‘Ano ang ginagawa mo?’. Ang ‘paggawa’ ay isang patlang para sa kahit anong pandiwa:
- Ano ang ginagawa mo?
- Inaayos ko ang libro.
- Bumibili ako ng mga damit.
- Nagsisiyahan ako.
- Nagpapahinga ako.
Pero paano mo iyan sasabihin sa Toki Pona?
Una, alalahanin natin ang mga panghalip. Ang panghalip ay isang patlang, na puwedeng mapalitan ng pangngalan:
ito, iyan, iyon
isang bagay, bagay
ano? alin?
Ang kailangang alalahanin sa Toki Pona, ay na ang mga pangngalan ay puwedeng maging pandiwa. Kung isinimulan ng li o o, nagiging patlang sila para sa pandiwa, kagaya ng ‘ginagawa’:
gumanito, gumanyan, gumanyon
gumawa
gawing ano?
Puwede kang gumawa ng pangungusap gamit ng seme bilang isang pandiwa, at sagutan ito gamit ng isa pang pandiwa, kagaya na halimbawa na ito sa Tagalog:
sina seme?
Ano ang ginagawa mo?
mi esun e len.
Bumibili ako ng damit.
Puwede mo ring sabihin ang obheto, pero hindi ito madalas na ginagamit:
sina seme e len?
Ano ang ginagawa mo sa damit?
mi esun e ona.
Binibili ko ito.
Ang ni bilang isang pandiwa ay nakakatulong kung may kasama kang gumagawa rin nito:
o pana e moku tawa soweli mi!
Pakainin mo po yung aming pusa!
mi ni.
Ginagawa ko na ito. (= Sige!)
Hindi mo madalas na makikita ang ijo bilang isang pandiwa, pero magamda ito kung hind mo talagang ninanais na titakin ang sagot mo:
ona li seme?
Ano ang ginagawa niya?
ona li ijo e lipu mi!
May ginagawa siya sa libro ko!