Nakita mo na kung paano ginagamit ng Toki Pona ang alpabetong Latin, na tinatawag sa komunidad ng mga nagsasalita nito sitelen Lasina. Pero marami rin sa amin ay gumagamit ng isang sariling paraan ng pagsusulat na tinatawag na sitelen pona, na ibig sabihin ay mabuting sulat. Ito ay isang logograpiya: kada salita sa Toki Pona ay mayroong sariling simbolo. Nakakasaya itong gamitin, at nakakatulong rin ito sa pagkakabisado ng mga salita!
Tignan natin ang isang maikling tula, at ipagkumpara ang sitelen Lasina at sitelen pona:
sina olin e utala. Ninanais mo ang pag-aaway.
taso sina sona ala: Pero 'di mo naiintindihan
utala li ike e sina. na ang pag-aaway ay nakakasama sa iyo.
(galing sa utala ni jan Ateneja, 2020)
Tignan natin ang mga pagkakatulad at di-pagkakatulad:
- Ang mga pangngungusap sa sitelen Lasina ay nagsisimula sa mga maliliit na titik!
- Ang sitelen Lasina ay gumagamit ng mga bantas katulad sa Tagalog, pero ang sitelen pona ay hindi gumagamit nito.
- Intuitive rin ang sitelen pona! Ang simbolo sa “pagmamahal” ay mga puso. Ang simbolo sa “pag-aaway” ay mga sandata. Ang simbolo sa “nakakasama” ay isang simangot.