Gumagamit ang Toki Pona ng mga karakter na Latin simula noong 2001, at sitelen pona simula noong 2014. Ngunit may isa pang sistema ng pagsulat — sitelen sitelen, na kilala rin bilang sitelen suwi. Ito ay nilikha noong 2009 ni Jonathan Gabel. Ganito ang hitsura nito:
Karamihan sa mga nagsasalita ng Toki Pona ngayon ay hindi nakakabasa ng sitelen sitelen, at kakaunti lamang ang gumagamit nito. Bagama’t ang sitelen pona ay tunay na ginagamit sa kaswal na pag-uusap, ang sitelen sitelen ay karaniwang ginagamit lamang parang dekorasyon.
Kung gusto mong matutong bumasa at sumulat ng sitelen sitelen, maaari mong gamitin ang mga aralin ni Jonathan Gabel.