Ang astig talaga ng sitelen pona! Pero wala pa ito sa Unicode. Karamihan sa mga font ay mayroon lamang ng karakter na nasa Unicode. Dahil doon, hindi magdi-display ang sitelen pona sa mga fonts ng iyong device.
Para dito, puwede kang mag-download ng isang sitelen pona font! Mayroong higit sa isang daan na mapagpipilian, kaya hayaan ninyong ipakita ko ang ilan:
- Ang nasin nanpa ni jan Itan ay ang font na ginagamit ng website na ‘to. Ito ay may rigid at heometrikong disenyo.

- Ang sitelen seli kiwen ni jan Lepeka ay may mas playful at sulat-kamay ang disenyo.

- Ang nasin sitelen pu mono ay isa pang disenyo na sulat-kamay. Ginagamit nito ang sulat-kamay ni Sonja Lang mula sa kanyang aklat noong 2014, ginagamit din nito ang ilang mas bagong karakter na iginuhit ni jan Pensa.

Dapat mo ring malaman ang isang font na may malaking kahalagahan sa kasaysayan ng Toki Pona:
- Ang linja pona ni jan Same. Ginawa ito noong 2016–2021 at ito ang unang sikat na sitelen pona font. Mayroon itong medyo hindi karaniwang disenyo na mukhang mas malapad at mas parisukat kaysa sa karamihan ng mga font ngayon. Noong sikat ang linja pona, ang sitelen pona ay nagkaroon ng ilang mga bagong glyph, tulad ng kijetesantakalu at monsuta.

Sa Discord, mayroon kaming isang bot, ang ilo Linku, na kayang gumuhit ng teksto sa anumang sitelen pona font at ilagay sa isang larawan! Sa ganitong paraan, makakapag-chat ka gamit ng sitelen pona nang hindi nag-i-install ng kahit ano. Sa desktop, maaari mong i-download ang isa sa mga font sa itaas, at i-click ito. Pagkatapos ay susubukan itong i-install ng iyong system. Sa mobile naman, medyo mahirap mag-install ng mga font. Maaari kang makipag-usap sa isang taong may teknikal na kaalaman.
Mga detalyeng teknikal: ascii vs ucsur fonts
Mayroong dalawang pangunahing paraan sa paggawa ng sitelen pona font, na tinatawag naming ascii fonts at ucsur fonts.
Sa ascii fonts, nagta-type ka ng mga Latin character, at ang mga ito ay natatanggap ng font, at awtomatikong kino-convert sa mga sitelen pona character habang ito ay sinusulat.
- 🎉 Napakadali nitong gamitin!
- 🙁 Maraming trabahong kailangang gawin.
- 🙁 Hindi ganito ang paggana ng ibang sistema ng pagsulat sa mga computer.
Sa ucsur fonts, sa halip na mag-type ng mga karakter na Latin, nagta-type ka ng mga karakter mula sa ibang bahagi ng Unicode. Sinadya ng Unicode na iwanang blangko ang bahaging ito, para magamit ito ng ibang tao para sa kanilang sariling pribadong layunin. Kaya naman, isang ibang organisasyon, ang UCSUR, ang nagpasya na ang bahaging ito ay mayroon nang sitelen pona.
- 🎉 Ganito gumagana ang ibang mga sistema ng pagsulat!
- 🎉 Nas kaunting trabaho ang gagawin!
- 🙁 Mas mahirap gamitin: kailangan mong mag-install ng input method na katulad ng mga umiiral para sa Hanzi, o gumawa ng keyboard layout.