Course · Library · News · Discord · More
wasona.com

ika-7 aralin: mga pangalan

Ok lang naman ang paturo sa mga bagay, pero minsan, mas magaganda ang pagiging matiyak. Ano ang solusyon natin? Mga pangalan, siyempre! Isang nakababagong inobasyon sa wika na sa paggamit nito, puwede ka nang magsalita tungkol sa isang partikular na bagay o tao.

Aralin natin ang mga salitang madalas may pangalan:

󱥂
nimi
pangalan, salita
󱤑
jan
tao
󱥠
sitelen
imahe, larawan, sulat; paglalarawan, pagsusulat
󱥬
toki
pag-uusap, wika; pagsasalita
󱤰
ma
lupa, bansa
󱥭
tomo
gusali, kuwarto, bahay

Mayroon ka nang alam na pangalan: sitelen Lasina! Tignan natin ang mga pangalan ng tao:

󱤑󱦐󱥁󱥆󱥴󱤂󱦑
jan Nowa
isang taong pinalangang Noah (galing sa Ingles na 'Noah')
󱤑󱦐󱤉󱤶󱤂󱦑
jan Ema
isang taong pinalangang Emma (galing sa Ingles na 'Emma')

Galing sa mga pangalan na ito, malalaman natin na:

  1. Isang uri ng pang-uri ang pangalan: sumusunod sila sa isa pang salita.
  2. Nagsisimula sa malaking titik ang mga pangalan. Kung mayroon kang nakitang salitang gumagamit ng malaking titik sa Toki Pona, malalaman mo agad na pangalan ito!
  3. Sa sitelen pona, isinusulat namin ang mga pangalan sa isang malaking 󱥂 nimi. Tinatawag namin ito bilang isang cartouche, parang yung mga ginagamit sa mga Egyptian hieroglyphs. Kada tunog sa isang pangalan, pumipili kami ng isang salita na nagsisimula sa tunog na iyon. Halimbawa, Puwedeng isulat ang pangalang ‘Ema’ bilang 󱤉 e, 󱤶 moku, 󱤂 ala.

Hindi lang tao ang may pangalan! Rignan natin isang wika, isang bansa, at isang lungsod:

󱥬󱦐󱤗󱤂󱥁󱥣󱤉󱦑
toki Kanse
ang wikang pinangalang French (galing sa salitang French na 'français')
󱤰󱦐󱥬󱥆󱥣󱤍󱦑
ma Tosi
ang bansang pinangalang Germany (galing sa salitang German na 'Deutsch')
󱤰󱥭󱦐󱤧󱥆󱤶󱤂󱦑
ma tomo Loma
ang lupain ng mga gusaling pinalangang Rome (galing sa salitang Latin na 'Rōma')

Ang mga langalang ito’y tumutulong sa atin na maunawaan kung paano ginagawa ang isang pangalan sa Toki Pona:

  1. Kapag isinasalin ang isang pangalan papunta sa Toki Pona, nagbabago sila para sumunod doon sa pinapayagang ponema sa Toki Pona. Walang d sa Toki Pona, Kaya ang salitang Deutsch ay nagsisimula sa t. Minsan maliit ang pagbabago, halimbawa, ang NoahNowa, minsan malaki ang pagbabago, halimbawa, ang françaisKanse.
  2. Minsan lang nanggagaling sa Ingles ang salitang isinasalin. Ginugustohan naming gumamit ng endonyms: ang pangalan ng wika, bansa, kultura, at iba pa, na nanggaling sa mga miyembro nito. Ang salita para sa wikang French ay nanggagaling sa French!

Magsanay tayo sa paggamit ng mga bagong salita’t pangalan sa mga pangungusap:

󱥴󱤧󱤮󱤉󱤰
waso li lukin e ma.
Tinitignan ng ibon ang lupa.
󱤑󱤧󱥬󱤉󱥭
jan li toki e tomo.
Naguusap ang tao tungkol sa mga bahay.
󱤑󱥔󱤧󱥬󱥔
jan pona li toki pona.
Nagsasalitang mabuti ang mga mabuting tao.
󱥂󱥆󱤧󱤑󱦐󱤗󱤉󱥁󱥬󱤂󱦑
nimi ona li jan Kenta.
Pangalan niya ay Kenta.
󱤑󱦐󱥣󱥱󱥁󱤍󱥬󱤂󱦑󱤧󱥠󱤉󱥑
jan Sunita li sitelen e pipi.
Naglarawan si Sunita ng isang insekto.
󱤑󱦐󱥁󱤍󱥁󱤂󱦑󱤧󱥬󱦐󱤗󱤂󱥁󱥣󱤉󱦑
jan Nina li toki Kanse.
Nagsasalita si Nina ng French.
󱤑󱦐󱤉󱤶󱤂󱦑󱤧󱥡󱥔󱤉󱤰󱦐󱥬󱥆󱥣󱤍󱦑
jan Ema li sona pona e ma Tosi.
Alam ng mabuti ni Emma ang tungkol sa Germany.

Puwede mo rin tignan ang…